Sagot :
Answer:
1. Maging positibo ang pananaw- Kung ang isang tao ay positibong pag iisip. Makakagawa sya ng bagay o isang desisyon na na aayon sa magandang kalalabasan nito. At maraming bagay kang matutuklasan at magpapalawak sa iyong konsensya kung ikaw ay positibo sa buhay.
2. Pagiging madiskarte- Hindi sa lahat ng pag kakataon ay may katulong tayo sa mga bagay bagay at sitwasyon. Ang diskarte ay magpapabago sa iyo upang gawin at gawan ng paraan ang isang bagay na syang ikaw ang nakaisip ng mabuti at magandang paraan.
3. Pagiging kontento kung anong meron ngayon- Ang paghahangad ng mga bagay na wala sa mga panahon ngayon ay syang maghahatak sayo pababa sa iyong inaaasam na tagumpay. Maging proud ka kung ano meron sayo ngayon. Remember, lahat naman ng bagay na gusto natin ay tamang panahon para dumating. Kaya matuto kang maghintay at mag pasensya!
4. Magsumikap at magsipag- Gaya nga ng sabi ko hindi lahat ng bagay kusang lalapit sayo. Kung gagawin mo at uugaliin mong mag sumikap at magsipag. Panigurado magkakaroon ka ng unti unting pagbabago sa buhay. Sa madaling sabi, kahit pa mahirap mag tagumpay, wag mong kalimutan kung bakit mo ginagawa ang mga bagay na ito sa simula palang. Alalahanin mo ang layunin mo. Dahil sa maliliit na hakbang ng patungo sa tagumpay ay may malaking ambag na para sa iyong pagunlad.
5. Pananalig at Pagiging bukas- Kung gusto natin maging matagumpay sa buhay. Ito ang pinakamahalagang kong payo. Manalig ka sa Panginoon at tiyak na bibigyan ka nya ng gabay at direksyon patungo sa tamang landas na iyong tatahakin. At maging bukas ka. Sa mga taong tumutulong at nag tatama sa iyo. Dahil hindi tayo magiging matagumapay dahil lang sa ating sarili. Ganun din sa mga taong nag mamahal at patuloy na umaagapay para tayo ay umunlad at maging matagumpay sa mga hamon ng ating buhay.
Sana makatulong:))
Patuloy na matuto para sa ikakaunlad mo! :)