L.
PANITIKAN
PANUTO: Basahin at unawain ang sumusunod na pahayag. Isulat ang salitang TAMA kung wasto ang pahayag at kung mali ay
salungguhitan ang salitang nagpamali at isulat sa patlang ang wastong salita.
1. Ang talumpati ay kabuuan ng mga kaisipang nais ipahayag ng isang mananalumpati sa harap ng publiko.
2. Ang unang dapat isaalang-alang sa pagsulat ng mabisang talumpati ay ang pagpili ng tagapakinig.
3. Isa sa mga dapat taglayin ng talumpati ay mga palasak na paksa at may kaugnayan sa okasyong ipinagdiriwang.
4. Ang talumpati ay tumutugon sa layuning magturo, magpabatid, manghikayat, manlibang, pumuri, pumuna at
bumatikos
5. Nakasalalay sa piyesa at sa mananalumpati ang ikatatagumpay ng isang pagtatalumpati.
_6. Ang nobela ay naglalahad ng mga pangyayaring pinaghahabi sa isang mahusay na pagbabalangkas.
7. Ang nobela ay maituturing na isang maligoy na pagsasalaysay ng maraming pangyayaring magkakasunod at
magkakaugnay.
8. Kinakailangan na sa pagsusuri ng pelikula ay tukuyin at alamin ang konseptong pinag-uusapan.
9. Isa rin sa mga hakbang sa pagsusuri ng pelikula ay ang pagtukoy ng magkakaibang detalye sa istorya upang malaman
ang pangunahing paksa nito.
10. Higit na mahalaga ang pagbibigay-tuon sa dayalogo upang makamit ang maayos na paghahanda ng iskrip para sa
pelikula.