1. Ano ang mga kahalagaan ng entrepreneur ang maisasabuhay mo?

2. Pano mo ginagamit ang mga Ito para sa iyong sariling kagalingan?​

3. Magbigay ng limang halimbawa ng sikat na negosyo sa pilipinas


patulong po please kailangan ko na po ito kasi yung may tamang sagot i brbrainly ko​


Sagot :

Makakatulong din ito upang mapababa ang unemployement rates sa pamamagitan ng paggawa ng mga trabaho upang malabanan ang kahirapan. Entrepreneurship ang ginagawa ng mga tao upang mapasakamay nila ang kanilang mga pangarap at maging sariling direktor nito. Ito’y tungkol sa pagbuo ng sarili mong buhay. Walang boss. Walang mahigpit na schedule. Walang sinumang makakahadlang sa iyo. Ang Entrepreneurs ang may kakayahan upang simulan ang unang hakbang tungo sa mas magandang mundo, isang magandang mundo na kasama ang lahat.

Ano ang entrepreneur: Kahulugan ng Entrepreneur

Ang entrepreneur ay tumutukoy sa taong nagsisimula ng negosyo na may layuning gumawa ng kita mula rito. Ang kahulugang ito ng entrepreneur ay hindi malinaw ngunit, may magandang rason para dito. Ang entrepreneur ay maaring isang tao na nagbukas ng kanilang kauna-unahang online store, maari rin itong tumukoy sa isang nagsisimulang freelancer.

Nakikita ng mga entrepreneur ang maraming posibilidad at solusyon samantalang tanging pagkayamot at problema ang nakikita ng karaniwang tao.

Sa pamamagitan ng pag-unawa sa kahulugan ng entrepreneur, mas maraming tao ang makakilala sa kanilang mga naging ambag sa mundo.

Ang kahalagaan ng entrepreneurship ay komplikado. Kasama sa kahulugan ng entrepreneurship ang entrepreneur na siyang gumagawa ng aksyon para makagawa ng pagbabago sa mundo. Mula sa isang entrepreneur na naghahanap ng solusyon para sa pang-araw-araw na problema hanggang sa isang entrepreneur na nagbigkis sa libo-libong mga empleyado, mayroon iisang katangian silang pinagkatulad: action o gawa.

Ito’y hindi lamang isang ideya na mananatili sa iyong isipan. Ang isang mahusay na entrepreneur ay bumubuo ng ideya at isinasagawa ito. Ang Entrepreneurship ay tungkol sa pagbibigay-buhay sa mga ideya.

Kahalagahan ng entrepreneurship

Ang mga Entrepreneur ay madalas tinuturing bilang superhumans. Ang kanilang mga business ideas ay mahusay, malikhain, at ambisyoso. Ang isang entrepreneur ay isang tao na nakakakita ng isang problema sa mundo at nagpo-pokus upang mabigyan ito ng agarang solusyon. Sila’y mga pinuno na may kakayahang mapabuti ang lipunan. Tungkol man ito sa paggawa ng bagong trabaho o produkto, sila’y patuloy na kumilos para masigurado ang pag-asenso ng mundo. Sa prosesong pag-unawa kung ano ang entrepreneurship, ating silipin kung bakit mahalaga ang mga entrepreneur sa lipunan.

Ang mga Entrepreneur ay lumilika ng pagbabago: Malaki ang pangarap ng mga entrepreneurs at ang ilan sa kanilang mga ideya ay sapat upang gumawa ng pagbabago sa buong mundo. Maari silang makagawa ng bagong produkto na sasagot sa matinding problemang hinaharap ng mundo o kaya’y tanggapin ang isang malaking hamon na wala ni isa man ang nagtangkang harapin noon. Marami ang naniniwala sa kanilang kakayahan upang mapabuti ang takbo ng mundo sa pamamagitan ng kanilang produkto, ideya o negosyo.

Ang mga Entrepreneur ay nagbibigay pabalik sa lipunan: Habang marami ang naniwala na ang mga mayaman ay masama at sakim, mas marami pa rin silang nagagawang mabuti kumpara sa karaniwang tao. Mas malaki ang kanilang kita, kaya mas malaki rin ang kanilang binabayad na buwis. Ang buwis na ito’y tumutulong upang bigyang pondo ang mga serbisyong panlipunan. Ang mga entrepreneurs ay ilan sa mga pinakamalaking nagbibigay sa mga charities at non-profit organizations. Ang ilan naman ay naglalaan ng kanilang pera upang maiangat ang pamumuhay ng mga nasa mahihirap na komunidad. Tulad ng pagbibigay sa kanila ng mapagkukuhanan ng malinis na tubig at mas maayos na pasilidad pangkalusugan.

.