1. Isang uri ng panitikan kung saan ang kadalasang paksa nito ay politika, ritwal at mga moralidad ng mga sinaunang diyos at diyosa. A alamat B. mitolohiya C. kuwentong-bayan D. epiko 2. Isang uri ng panitikan na ang bawat salaysay ay pawang mga likhang isip at ginagampanan ito ng mga tauhang karaniwan ay kumakatawan sa isang pamayanan, bansa, at saloobin. A. alamat B. mitolohiya C. kuwentong-bayan D. epiko 3. Isang uri ng salaysay na hinggil sa mga likhang-isip na mga karakter na sumasalamin sa mga uri ng mamamayan. A alamat B. mitolohiya C. kuwentong-bayan D. epiko 4. Dito nagaganap ang pagpapakilala ng tauhan, tagpuan, at suliraning kakaharapin. A. Panimulang pangyayari C. papataas na pangyayari B. Kasukdulan D. banghay 5. Sa elementong ito makikita ang maayos na pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa akda. A. Panimulang pangyayari C. papataas na pangyayari B. Kasukdulan D. banghay 6. Pinakamasidhing bahagi kung saan haharapin ng pangunahing tauhan ang kanyang suliranin. A. Panimulang pangyayari C. papataas na pangyayari B. Kasukdulan D. banghay 7. Sa bahaging ito nagkakaroon ng pagtatangkang malutas ang suliraning magpapasidhi sa interes o kapanabikan. A banghay C. papataas na pangyayari B. Kasukdulan D. resolusyon 8. Sa bahagi namang ito nagkakaroon ang kuwento ng isang makabuluhang wakas. A. banghay C. papataas na pangyayari B. pababang pangyayari D. resolusyon​