Biyahe ni Ray! ni Gng. Joy C. Reverente Maagang gumising si Rayl isang umaga. Ito kase ang araw ng kanilang pagpunta sa Bicol, ang kanilang probinsya. Gabi pa lamang ay inayos na niya ang kanyang mga dadalhin. Dumating ang oras ng kanilang pag-alis. Sumakay sila sa isang bus. Sa kanilang paglalakbay ay marami siyang nakitang magagandang tanawin. Mga bundok, puno at iba't ibang mga bulaklak. Mayroon din siyang nakitang mga hayop, may kabayo, kalabaw at baka. Naalala niya tuloy ang lugar ng kaniyang Lolo at Lola. Bukod sa magandang tanawin ay marami ring sariwang gulay at prutas. May malinis na ilog na kanyang paboritong languyin. Malawak na bukid na pinapasyalan kasama ang kanyang mga kaibigan. Lahat ng iyon ay kanyang gagawin pagdating sa kanilang probinsya. MGA PAGSASANAY Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: PANUTO: Basahin ang kwento at sagutin ang mga tanong. Tanong: 1. Sino ang taon-taon na sumasama sa Field Trip? 2. Ano ang nararamdaman ng bata sa tuwing sumasama siya sa Field Trip? 3. Ano ang naging karanasan ni Reign sa kanilang Field Trip? 4. Naranasan mo na rin bang sumama sa Field Trip? 5. Ano ang iyong naramdaman sa tuwing sumasama ka sa Field Trip? Bakit?