Panuto:Tukuyin kung ang panandang ginamit sa pangungusap sa bawat bilang ay KATAPORIK o

ANAPORIK.Isulat sa patlang ang iyong kasagutan.

__________1. Dapat nating ingatan ang kalikasan sapagkat ang ating ikinabubuhay ay nagmumula rito.

__________2.Ang ating mga magulang ang nag-aruga sa atin kaya dapat ay alagaan natin sila sa

kanilang pagtanda.

__________3. Hinhangan tayo sa buong mundo sapagkat kilala ang mga Pilipino sa pagiging masipag at

pagkakaroon ng kakaibang talent.

__________4. Patuloy siyang nagsusumikap sapagkat nais ni Lorielyn ng mabigyan ng maginhawang

buhay ang pamilya.

__________5. Ang mga kabataan ang pag-asa ng bayan kaya nararapat lamang na maging mabuting

impluwensiya ang mga nakakatanda para sa kanila.

__________6. Tanyag ang lalawigan ng Zambales dahil sa mga produktong mabibili rito tulad ng

matatamis na manga.

__________7.Walang katulad ang ganda nito kaya patuloy na dinarayo ng mga turista ang Boracay.

__________8.Ang araw ng kalayaan ay dapat na pahalagahan sapagkat patuloy itong nagpapaalala sa

ginawang pagpapakasakit ng mga bayani upang makamit ang ating kalayaan.

__________9.Nagkamit ng karangalan si Clariz dahil matataas ang kaniyang mga grado sa lahat ng

asignatura.

__________10. Nangungulila man sa kanilang pamilya ay patuloy pa rin ang pagpapakasakit ng mga

Overseas Filipino Workers sa ibang bansa.​