2. Ano ang naglalarawan sa pinakamahalagang ng pagtitipid?
A. Maging mapagkumbaba at matutong makuntento
B. Maging mapagbigay at matutong tumulong
C. Maging maingat sa paggastos al matutong maging simple
D. Maging inasipag at matutong maging matiyaga

3. Ano ang sinasabi ng Teorya ni Maslow, The Heirarchy of Needs, tungkol sa pera?
A. Ang pera ay nagsisilbing pantulong sa araw-araw na kailangan.
B. Ang pera ay dapat nating ingatan at huwag sayangin
C. Ang pera ay tumutulong sa tao na maramdaman ang kaniyang seguridad sa buhay lalo na sa
hinaharap
D. Ang pera ay nagbibigay sa tao ng kasiguraduhan upang ang kaniyang buhay ay maging maayos sa
hinaharap

4. Ang sumusunod ay dahilan kung bakit kailangan na mag-impok ang tao ayon kay, Francisco Colayco
maliban sa:
A. Para sa pagreretiro
B. Para sa mga hangarin sa buhay
C. Para maging inspirasyon sa buhay
D. Para sa proteksiyon sa buhay

5.Hindi dapat taglayin ng tao ang ugaling katamaran. Ang sumusunod na pangungusap ay nagbibigay
ng kahulugan nito maliban sa:
A Ito ang pumapatay sa isang gawain, hanapbuhay, o trabaho.
B. Ito ang pumipigil sa tao upang siya ay magtagumpay
C. Ito ay maaring sumira sa ating kinabukasan.
D. Ito ay magdadala ng panganib sa buhay.

6. Mula sa saknong ng isang tula, "Marami ang nagtuturing na mahirap daw itong buhay. Araw-araw
ay paggawang tila rin walang humpay, Datapuwat isang pantas ang nagbadya at nagsaysay: Tagumpay
ay nakakamit kapag tao ay masikhay'
A. Mahirap ang buhay kaya't ang tao ay kinakailangan na magtiis.
B. Kahit mahirap ang buhay ang tao ay dapat na maging marangal.
C. Sa kabila ng kahirapan, ang tao ay kinakailangan na maging masipag.
D. Mahirap man ang buhay ang tao ay hindi dapat mawalan ng pag-asa.

7. Ang sumusunod ay kahulugan ng kasipagan maliban sa:
A. Ito ay pagsisikap na gawin o tapusin ang isang gawain na mayroong kalidad.
B. Ito ay pagtingin ng kasiyahan at positibo sa isang gawain
C. Nakatutulong ito sa tao sa kaniyang pakikipagrelasyon sa kaniyang gawain, kapuwa, at lipunan.
D. Tumutulong ito sa tao na malinang ang mabubuting katangian tulad ng tiwala sa sarili, mahabang
pasensiya, katapatan, at disiplina.

8. Si Rony ay sadyang masipag, hindi siya nagmamadali sa kaniyang mga gawain at sinisiguro niya na
magiging maayos ang kalabasan nito. Ano kayang palatandaan sa kasipagan ang taglay ni Rony?
A. Hindi umiiwas sa anumang gawain
B. Ginagawa ang gawain nang may pagmamahal
C. Nagbibigay ng buong kakayahan sa paggawa D. Hindi nagrereklamo sa ginagawa​