Panuto: Batay sa iyong binasa sa "Alamin Natin", suriin kung anong
Kohesyong Gramatikal ang ginamit sa bawat pangungusap. Isulat ang A
kung ito ay anapora at K naman kung ito ay katapora. Isulat ang iyong
sagot sa hiwalay na papel.
1. Pagkain ang pinakamahalang pangangailangan ng tao sapagkat ito ang
bumubuhay sa atin.
2. Mahalin natin ang ating mga magulang dahil sila ang nagtaguyod sa ating mga
pangangailangan.
3. Sa panahong nakilala ko siya, alam kong matinong tao si Abby.
4. Pumunta ako sa kanilang bahay subalit wala doon si John.
5. Inabot ng baha ang bahay ni Jonathan kaya lumipat siya sa evacuation center.
6. Namahagi ng pagkain ang mga sikat na vlogger sa mga nasalanta ng nakaraang
kalamidad. Sila ay tumungo sa Cagayan para sa kanilang relief operation.
7. Tumatanggap ng donasyon ang WPB (isang pribadong organisasyon) upang
kanilang ipamahagi sa mga batang lansangan.
8. Isa siyang Doktor kaya alam ni G. Perez ang tamang gamot para sa aking
kapatid.
9. Talagang tinupad ni Tatay ang pangako niya.
10. Umalis si Kim nang maaga kaya hindi ko na siya naabutan sa paaralan.​