SURIIN
Panuto: Basahin ang sumusunod na sitwasyon at kilalanin ang mga nabanggit na lunu
A Si Angela ay magaling sa pagkanta. Sumali siya sa patimpalak ng pag-awit sa kanilang paaralan ngunit hindi siya
nanalo. Tinanggap niya ito nang maluwag at nagpursige pa siyang mag ensayo araw-araw upang siya ay mas gumaling
pa sa pagkanta.
B. Si Romeo ay mahusay sa paglaro ng Badminton. Siya ay isa sa mga manlalaro ng kanilang paaralan para sa pang
distritong palakasan ngunit hindi nagwagi si Romeo. Nalungkot siya at hindi na nanumbalik ang kanyang sigla sa
paglaro ng Badminton.
Sagutin ang mga sumusunod na katanungan?
1. Anong talentong angkin meron si Angela? Si Romeo?
2. Ano ang suliranin ni Angela? Ni Romeo?
3. Sa dalawang bata, sino ang dapat mong tularan? Bakit?
4. Anong aral ang natutuhan mo sa kwento ni Angela?
5. Ano-anong talento ang taglay mo?
6. Bakit kailangang linangin ang pagiging malikhain?​


Sagot :

Answer:

1. Pagkanta para kay Angela at paglalaro ng Badminton ang kay Romeo.

2. Ang pagkatalo nila sa patimpalak at distritong palakasan.

3. Si Angela, dahil di siya sumuko at nagpursige.

4. Hindi dapat tayo sumuko at dapat magpursige upang linangin ang ating mga talento.

5. Pagguhit, pagkanta, at pagsayaw

6. Upang maipakita ito sa iba at magkaroon ng libangan.

Answer:

1. Si Angela ay magaling sa pagkanta samantalang si Romeo ay mahusay sa paglaro ng badminton.

2. Pareho silang natalo sa sinalihang patimpalak.

3. Sa dalawang bata, si angela ang dapat tularan dahil kahit na natalo siya ay mas pinili niya itong tanggapin na lamang at mas lalo pa siyang nagpursige sa kanyang pageensayo.

4. Huwag matakot na matalo dahil sa isang paligsahan parte ito ng patimpalak. Kaya manalo or matalo lumaban hanggang dulo.

5. Pagguhit, Pagsayaw at pagkanta.

6. Ang pagiging malikhain ay hindi lamang para maipagmalaki ito rin ay para mailabas mo ang mga kaya mong gawin at maipakita na hindi kalang basta tao.