Gawain sa Pagkatuto Bilang 7: Pagtukoy Panuto: Basahin at tukuyin ang hinihingi ng mga sumusunod na bilang. Isulat ang iyong sagot sa sagutan papel. 1. 2. Ang grupo ng mga intelektwal na humihikayat sa paggamit ng katuwiran. Ang akda na isinulat ni Thomas Hobbes tungkol sa kalikasan ng tao at estado. 3. Ang sumulat ng The Social Contract noong 1762 na tumutukoy sa kasunduan ng mga malayang mamamayan na lumikha ng isang lipunan at pamahalaan. 4. Ang nagimbento ng teleskopyo na ginamit sa pag-aaral ng astronomiya. 5. Ang siyentipiko na may teorya ng Law of Gravity. 6. Ang teorya na kung saan ang araw ang sentro at hindi ang daigdig. 7. Ito ang panahon na kung saan ginamit ang katuwiran at siyentipikong pamamaraan sa lahat ng aspekto ng buhay. 8. Ito ay tumutukoy sa panahon na kung saan may malawakang pagbabago sa pag-iisip paniniwala, 9. Siya ang lumalakay sa karapatan ng mga kababaihan sa kanyang akda na A Vindication of the Rights of Women noong 1792. 10. Siya ay itinuturing na "Ama ng Symphony" at "Ama ng String Quartet".