Sagot :
Mga Dahilan ng Ikalawang Yugto ng Kolonyalismo at Imperyalismo:
-Una, dahil sa udyok ng nasyonalismo
Nais ng mga nasyon sa Europa na magkaroon ng malawak na kapangyarihan upang labanan ang kanilang mga karibal na bansa.
-Dulot ng rebolusyong industriyal
Nangangailangan ang mga kanluranin ng lupang mapagtataniman ng mga hilaw na material para sa kanilang mga pagawaan/pabrika at pamilihan naman para sa kanilang mga yaring produkto at natugunan naman nila ang kanilang pangangailangan sa pamamagitan ng pananakop ng mga lupain
-Kapitalismo
Isang sistema kung saan namumuhunan ng kaniyang salapi ang isang tao upang magkaroon ng tubo/interes ang kaniyang salapi. Sa pag-unlad ng kalakalan sa pagitan ng European at Asyano. Dumami ang salaping naipon ng mga mangangalakal ng kanluranin. Nahikayat ang mga mangangalakal ng Kanluranin na gamitin ang kanilang naipon sa mga pananiman sa Asya bilang puhunan. Namuhunan din ang Kanluranin sa minahan sa Kolonya upang kumita ng pera. Hinangad nilang magkaroon ng malaking tubo sa kanilang salaping ipinuhunan.
-White Man's Burden
Na isinulat ni Rudyard Kipling isang manunulat na Ingles, Ipinasailalim sa mga kaisipan ang mga nasasakupan na sila ay pabigat sa Kanluraning bansa. Sinasabing layunin ng mga Kanluranin na tulungan at turuan ang mga mamamayan sa Kolonya. Dinala ng mga Kanluranin ang Kristiyanismo sa mga bansang kanilang nasasakupan, maging ang kanilang sistema sa edukasyon pati na din sa kanilang mga kasuotan pang-kanluranin. Sa Kanluranin din natutunan ng mga Asyano ang makabagong kaalaman sa medisina. Nagpagawa ng mga kalsada, tulay at maging mga tren/train ang mga Kanluranin sa kanilang mga nasasakupan upang Mas mapabilis ang transportasyon ng mga hilaw na material na iluluwas sa kanilang bansa.
May mga mabuti pa rin na naidulot sa atin ang pagsakop ng mga Kanluranin, ngunit wag din natin kakalimutang inabuso nila ang mga likas na yaman at maging ang lakas-paggawa ng mga bansang Asyano. Naging alipin ng mga Asyano ang mga Kanluranin. Naging pamilihan din ng mga dayuhan ang mga pamilihan sa Asya. Ito din ang dahilan kung bakit nahumaling ang mga Asyano sa mga produktong Kanluranin.