Maraming mga negatibong epekto ang hindi pagpapabuti ng isang tao sa kaniyang paggawa o ginagawa. Una, ang maaaring kahinatnan ng tao ay kawalan ng tiwala sa sarili at kawalan ng tiwala ng ibang tao sa kaniya. Walang magtitiwala sa taong hindi pinagbubuti ang gawain. Pangalawa, hindi pagkatapos ng anumang gawain o responsibilidad. Pangatlo, walang kaunlaran sa buhay at sarili. Pang-apat, pagiging walang tulong sa pag-unlad ng lipunan. Maaaring kahihinatnan ng tao ang hindi pagtapos ng anumang gawain dahil wala siyang determinasyon sa sarili at sipag. Maaaring walang kaunlaran ang sarili dahil sa ugaling katamaran o hindi pagkakaroon ng tiyaga. Mawawala din ang kaniyang kakayahan.
#CarryOnLearning