Answer:
1. LOKAL NA PAMAHALAAN
1. LOKAL NA PAMAHALAAN Local Government Unit (LGU)
- Tumutulong sa pamahalaan na magpatupad ng ordinansang naglalayon ng kapayapaan sa lugar na nasasakupan
2. SANDATAHANG LAKAS NG PILIPINAS
2. SANDATAHANG LAKAS NG PILIPINAS Armed Forces of the Philippines (AFP)
- Pangunahing lakas na nagtatanggol sa bansa
- Tungkuling ipaglaban sa kaaway o manananakop, at panatilihin ang kaayusan at katahimikan sa bansa
- Binubuo ng Hukbong Katihan (Army), Hukbong Dagat (Navy) at Hukbong Himpapawid (Air Force)
3. PAMBANSANG PULISYA NG PILIPINAS Philippine National Police (PNP)
- Lakas ng hanay ng kapulisan ng bansa
- Kaakibat ng lokal na pamahalaan sa pagsugpo ng krimen at paghuli sa taong lumalabag ng batas
4. PAMANA – Payapa at Masaganang Pamayanan Mga Layunin:
- Mapaunlad ang kabuhayan at pagkakataon para makapagtrabaho sa mga lugar
- Palakasin ang kakayahan ng lokal na pamunuan at isulong ang mga plano at programang pangkapayapaan
- Paghikayat sa mamamayan ng pakikiisa
5. Ang Kagawaran ng Tanggulang Bansa Department of National Defense o DND)
- ang departamentong tagapagpatupad ng Pamahalaan ng Pilipinas na responsable sa pagtatanggol mula sa mga panlabas at panloob na panganib sa kapayapaan at seguridad sa Pilipinas.