Mga Kontribusyon ni Malala?

Sagot :

Mga Kontribusyon ni Malala



Isa sya sa mga nagpausbong sa usapin tungkol sa edukasyon ng mga kabataan sa buong mundo.

Siya ang kauna-unahang nakatanggap ng Pakistan’s First National Youth Peace Prize.

Kilala siya bilang pinakabatang nanalo ng Nobel Peace Prize sa edad na labing anim na taong gulang.

Ang kanyang natanggap na pera na nagkakahalagang $1.1 milyon ay kanyang iniambag sa pagpapagawa ng mga sekondaryang paaralan para sa mga babae sa Pakistan.

Gumawa siya ng petisyon na kilala bilang “Malala Petition” kung saan magkakaroon ng primaryang edukasyon ang mga kabataan sa buong mundo.

Gumawa rin siya ng “Malala Fund” na magiging pondo sa pagkamit ng karapatan sa edukasyon.

Nagawa ni Malala na makumbinsi ang United Nations na bigyang diin ang Millennium Development Goal 2 na isinasaad na sa pagdating ng taong 2015, ang mga kabataan sa buong mundo mapababae man o lalaki, ay makakakumpleto ng primarya sa pag-aaral.

Bilang isang Muslim, ipinahayag niya na ang Islam ay hindi sang-ayon sa kung ano mang kaguluhan sa mundo. Isang paalala ito na huwag nating isipin na kapag Muslim, sila na ang nagdudulot ng kaguluhan, sa halip, irespekto natin ang Islam at aralin muna ng maigi bago magbigay ng masamang komento.

Pinakita niya na walang limitasyon sa edad upang tumayo at ipaglaban ang nararapat.