Isulat ang TAMA kung ang mga sumusunod na pangungusap ay totoo at MALI kapag hindi totoo. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno. 1. Ang pag-aaral at pag-unawa sa konsepto ng anyo ay nagsisimula sa pinakamaliit na bahagi o ideya ng musika na tinatawag na motif. 2. Ang bawat nota ay walang kabuluhan kung ito ay tutugtugin ng paisa-isa. 3. Ang bawat taludtod ay mayroong dalawang melodiya. 4. Nasa anyong unitary ang isang awitin kapag ito ay mayroong isang verse at isang melodiya. 5. Strophic ang tawag sa awitin na mayroong higit sa dalwang verse at iisang melodiya 6. Maraming uri ng anyo sa musika na maaaring gawing basehan sa paglikha ng isang awit o musika. 7. Ang paglalagay ng paulit-ulit na pattern ay nagpapakita ng pagkakaisa ng ideya. 8. Ang mga awitin at musika ay hindi binubuo ng maraming linya o pattern ng melody at rhythm 9. Lahat ng uri ng sining ay may anyo o form 10. Isa sa pinakamahalagang kakayahan na dapat taglayin ng isang kompositor ay ang kaalaman sa pag-aayos ng mga pattern ng musika.