Sagot :
ANO ANG DAHILAN NG MIGRASYON?
Ang migrasyon ay maaring kusa o sapilitan paglipat ng isang tao o grupo patungo sa isang luagr
NARITO ANG MGA DAHILAN NG MIGRASYON
PUSH FACTORS NA DAHILAN- Mga negatibong salik na nagiging dahilan ng migrasyon
1. Paghahanap ng kapayapaan
2. Upang malayo sa kalamidad
3. Kakulangan sa pagkain
PULL FACTORS NA DAHILAN- Positibong salik na dumarayo dahil sa sumusunod na dahilan
1. Matamo ang kaunlarang pangkabuhayan
2. Makaranas ng pamumuhay sa lungsod o sa mga urban areas
3. Magkaroon ng trabaho sa isang lugar sapagkat walang trabahong mapapasukan sa lugar na kanilang pinagmulan.
Mga Dahilan ng Migrasyon: Ekonomikal at Politikal
Ekonomikal
• Kung ang tao ay may nakikitang magandang opurtunidad na magandang hanap-buhay, kabuhayan at kita.
• May mga mayayamang bansa ngunit walang mangagawa ay may malakas na migrasyon mula sa ibang bansa na kilala sa tawag na migrants o economic migrants na tumutulong sa pagpapatatag ng ekonomiya ng bansang kanilang pinangalingan sa pamamagitan ng remittances.
Politikal
• Ang mga tao ay gusto ng kapayapaan kaya naman kung magulo ang kanilang lugar ay nililisan nila ang kanilang lugar at lumipat sa isang lugar na tahimik ar payapa
• Ang pagkakaroon ng hidwaan, rebelyon, at digmaan ay bahagi nito.
• Ang ganitang kalakaran ay matagal nang laganap sa iba’t-ibang bahagi ng mundo.
Sosyal
• May mga taong lumilipat sa ibang bansa upang matanggap sila kung ano ang kanilang katayuan sa buhay dahil may mga bansang tanggap ang mga konserbatibong usapin kagaya ng pagpapakasal muli ay lumilipat sila sa ibang bansa. Halimbawa: Ang dalawang magkasintahan ay kasal sa Pilipinas sa ibang tao ngunit kahit na hiwalay na sila sa mga ito ay hindi pa din sila puwedeng magpakasal sapagkat walang diborsyo sa Pilipinas. Kaya naman lumilipat sila ng bansa at piniling doon na lamang manirahan.
Heograpikal
• Ang mga kalagayang pangkapaligiran at isa din sa dahilan ng migrasyon. Halimbawa na lamang ay ang klima at panahon kasama na ang kaligtasan.
Para sa iba pang dahilan ng migrasyon buksan ang mga sumusunod na links sa ibaba:
brainly.ph/question/974411
brainly.ph/question/1943474
brainly.ph/question/2276786
#CarryOnLearning
Answer:
kalimitin sa mga dahilan ay ang mataas na sahod may magandang kinabukasan at marami pang iba
Explanation:
hope it helps