Ang pagkamakabansa o nasyonalismo[1] ay isang kataga na tumutukoy sa isang doktrina[2] o kilusang pampolitika[3] na pinanghahawakan na may karapatan ang isang bansa—kadalasang binibigyan kahulugan sa etnisidad o kultura-na magbuo ng isang malaya o awtonomong pamayanang pampolitika na nakabatay sa isang magkakatulad na kasaysayan at karaniwang patutunguhan.