PAKIKILAHOK SA Modyul PANGANGAMPANYA SA PAGPAPATUPAD NG MGA BATAS PARA SA KABUTIHAN NG LAHAT Sa bahaging ito, mas mapalalim pa ang iyong pag unawa tungkol sa mga dapat gawin sa pakikilahok sa pangangampanya ng mga batas para sa suliraning pangkalinisan, ang kaligtasan, pangkalusugan, pangkapayapaan at pangkalikasan Tutulong kami! Araw ng Sabado. Nagdaos ng pagpupulong ang mga pinuno ng Barangay Kapalaran. Dinaluhan ito ng mga mamamayan ng nasabing barangay. Punong Barangay: Nakakalungkot na ang mga nangyayari sa ating barangay. Panahon na para pagtulung tulungan nating lutasin ang mga problemang pangkalinisan, pangkaligtasan, pangkalusugan. pangkapayapaan at maging pangkalikasan Aling Susan: Sa aking palagay, dapat lahat ay kumilos sa mga problemang iyan at nang mabigyan natin ng solusyon Mang Lito: Tama! Ang makakapagbigay ng solusyon diyan ay tayo ring naninirahan sa barangay na ito. Mang Juan: Kaya nga dapat tayo ay magkaisa upang mapanatili natin ang kapayapaan at katahimikan dito sa ating lugar. Pati mga anak natin ay kakatulungin natin sa pagsugpo sa mga problemang ito. Men: Bilang lider po ng mga kabataan dito sa ating barangay ay sumasang-ayon po ako sa mungkahi ni Mang Juan. Nakahanda po kaming tumulong. Del: Ako po ay sasama sa pangangampanya sa usaping pangkalinisan. Ako na po ang gagawa ng mga poster upang iparating sa lahat ang ating layurin hinggil sa kalinisan ng ating barangay. Toto: Ipagpaumanhin po ninyo na hindi nakadalo si Tatay sa papulong na ito dahil may pinuntahan po siya. Ako na po ang magsasabi sa kanya na bilang isang barangay tanod ay mas dapat sipagan pa niya ang pagroronda upang mapanatili natin ang kapayapaan at kaligtasan dito sa ating lugar. Ali: Tutulungan ko po ang nanay ko na makalap ang mga listahan ng mga malnourished sa ating lugar upang maireport agad sa kinauukulan at ng mabigyan kaagad sila ng tulong. Ella: Kakausapin ko naman po ang guro namin na hikayatin ang mga kaldase ko na lumahok sa aming pinaplano ni Karen na pagtatanim ng mga puno sa tabi ng kalsada Barangay Captain: Nakakatuwa ang mga batang ito. Tunay nga ang sabi ng inyong mga magulang na kayo ay taga responsableng anak. Hindi lang kayo responsableng anak kundi isa rin kayong responsableng munting mamamayan. Maraming salamat sa inyo. Paolo: Maaasahan po ninyo ang aming tulong. Marami rin pong salamat sa inyong pagpapaalala sa amin ng aming mga tungkulin na dapat gampanan. Lyn: Kung sakali pong may mga bagay na hindi namin kayang gawin, maari po bang humingi kami ng tulong sa mga opisyal ng barangay at sa mga matatanda rito? Lahat: Makakaasa kayo. treffen
Gawain:Panuto:Sagutin ang sumusunod.Isulat ang iyong sagot sa kwaderno. 1.Ano ang pinag-uusapan sa dayalogo? ________________________________________________ 2.Ano-ano ang mga naging panukala ng mga tauhan upang malutas ang mga suliranin tulad ng: Suliranin | Panukalang Solution sa suliranin
A. Pangkalinisan - _________________________________ B. Pangkaligtasan - _________________________________ C. Pagkalusugan - _________________________________ D. Pangkapayapayaan - _____________________________ E. Pangkalikasan - _________________________________ 3.Paano ka nakatulong sa kampanyang iyon?_____________________________________________________________________________