Gawain sa Pagkatuto Bilang 3
Tukuyin kung ano ang inilalarawan sa sumusunod na pangungusap. Piliin ang inyong sagot sa loob
ng kahon.
(Short Quiz To be recorded
shrub
pasanga
aquatic plant
aerial plant
inarching
di-tuwiran
marcotting
herbs
vine o baging
tuwiran
1. Paraan ng pagtatanim kung saan diretso na sa taniman ang pagtatanim,
maaaring sanga o buto.
2. Paraan ng pagtatanim kung saan gumagamit pa ng kahong punlaan upang
makapagpasibol ng bagong halaman, maliliit na buto at murang sanga naman ang
pinasisibol dito.
3. mga halamang may malambot na tangkay at karaniwang nabubuhay ng isa o
dalawang taon.
4.mga halaman na may ilang matitigas na sanga na pangkaraniwan ng hindi
tumataas ng mahigit sa 7 metro.
5. mga halamang hindi nakakatayo sa sarili kaya't gumagapang sa
lupa o kumakapit sa mga bagay.
6.mga halamang nakakapit sa taas ng punong-kahoy o sa malalaking bato sa
mga bundok tulad ng orchids at pako
7.mga halamang tubig nabubuhay gaya ng water lily at lotus.
8. Ito ang pinakamadaling paraan ng artipisyal na pagpaparami ng tanim. Ang
wanga ay pinuputol, pinauugat, at itinatanim.
9. Ginagawa ito sa sanga o katawan ng punongkahoy habang ito ay hindi pa
nahihiwalay sa puno
10. Sa paraang ito, pinagsasama ang sanga ng isang puno at sanga ng isa pang
punong nakalagay sa paso.​