Suriin ang bawat pangungusap at isulat ang salitang Tama sa patlang

kung wasto ang isinasaad ng pangungusap at Mali naman kung hindi wasto

ang pangungusap.

________1. Naging madali ang pamumuno ni Pangulong Roxas noong 1946-1948.

________2. Hinarap ni Pangulong Quirino ang rebeldeng Hukbalahap.

________3. Binuo ni Pangulong Roxas ang programang Rehabilitation Finance

Corporation upang magpautang sa mga pribadong tao at korporasyon

para makapagtayo ng sariling negosyo.

________4. Isa sa programa ni Pangulong Quirino ang US-RP Mutual Defense

Treaty.

________5. Programa ni Pangulong Roxas ang Rehabilitation Finance Corporation

(RFC) na sa ngayon ay kilala bilang Development Bank of the Philippines.

________6. Si Luis Taruc ang kinikilalang lider ng mga rebeldeng Huk sa

panahon ni Pangulong Quirino.

________7. Isa sa mga kasunduan ng Amerika at Pangulong Roxas ang Bell

Trade Act Agreement.

________8. Isa sa mga naging tungkulin ni Pangulong Quirino ang puntahan

ang mga biktima ng rebeldeng HUK.

________9. Nang matapos Ikalawang Digmaan sinikap ni Pangulong Roxas na

makasapi sa NAGKAKAISANG MGA BANSA o United Nations.

________10. Binuo ni Pangulong Quirino ang programang Agricultural Credit

Cooperative Financing Administration o ACCFA​