guys to meh brother module pls can you help him di ko po alm sasagot ko po diyan sa module niya +follow + brainlest pls :) ​

Guys To Meh Brother Module Pls Can You Help Him Di Ko Po Alm Sasagot Ko Po Diyan Sa Module Niya Follow Brainlest Pls class=

Sagot :

Answer:

EPEKTO NG UNANG DIGMAANG PANDAIGDIG SA TAO

 

Ang Unang Digmaang Pandaigdig ay gumamit ng mga makabagong teknolohiyang pangmilitar at ng trench warfare, kaya naman marami ang taong namatay.

Higit sa 70 milyong tauhang militar, kasama ang 60 milyong taga-Europa, ang nasangkot sa malaking digmaang ito. Pagkatapos ng labanan, humigit-kumulang 9 na milyong mga sundalo at pitong milyong mga sibilyan ang namatay sa nasabing WWI, kasama ang mga bikitma ng genocides.

Naging malaganap ang sakit at gutom na nagpasidhi sa paghihirap ng mga tao. Sa kabuoan, mahigit na 16 milyong mga tao ang namatay sa digmaan.

 

Bukod dito, lubhang maraming ari-arian ang naiwang wasak at naantala ang kalakalan, pagsasaka at iba pang pangkabuhayang gawain.

IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG SA TAO

Ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay nagsimula noong Setyembre ng taong 1939 at nagtapos noong 1945. Mas maraming bansa ang naging sangkot sa digmaang ito kumpara sa nauna. Ito ay mga bansang nagmula sa iba't ibang panig ng mundo at iba't ibang kontinente. Ito ay ang itinuturing na pinakamadugo at malawak na digmaan na naganap sa buong kasaysayan ng mundo. Hindi pa man lubusang nakakaahon ang mga bansang naapektuhan ng unang digmaan, muling umigting ang hidwaan at gulo sa pagitan ng mga bansa na nagdulot ng ikalawang digmaan.