Sa pagsisimula, sagutin ang paunang pagsubok upang malaman natin ang lawak ng iyong kaalaman. TAMA O MALI: Isulat ang TAMA sa patlang kung sumasang-ayon sa pahayag ay at isulat ang MALI kung hindi naman sumasang-ayon sa pahayag. 1. Isulat kaagad ang balita matapos makalap. 2. Suliranin ng isang reporter kung saan sila kukuha ng ibabalita. 3. Thuling itampok ang pinakamahalagang datos bilang pamatnubay. 4. Siguraduhing ang balitang isusulat ay walang kinikilingan (No Bias). 5. Ang pamatnubay ang siyang puso ng balita, sapagkat sumasagot ito sa tanong na Ano, Sino, Saan, Kailan at Bakit.