(Ang Mag-asawa'y Hindi Biro)
Dapat bang pairalin ang batas na diborsyo sa Pilipinas? Kung
mangyayari ito, ano kayang damdamin ang mamamayani sa kalooban ng
mga bata... lumbay, lungkot, pighati? Naghihinagpis ang kanilang puso
dahil sa dalamhating dulot nito. Napakahirap... Tulong na marahil ang
batas na ito sa mag-asawang hindi magkasundo ngunit paano nga naman
ang mga anak na lubhang naapektuhan nito? Totoong ang pag-aasawa ay
hindi kaning isusubo na iluluwa kung mapaso
1. Ano pinapaksa ng tekstong binasa?
A. Huwag mag-asawa
B. Hindi masayang mag-asawa
C. Mahirap ang buhay may-asawa
D. Pinag-iisipang mabuti ang pag-aasawa
2. Ano ang kahulugan ng salitang nasalungguhitan sa teksto?
A. nalilito B. nagdurusa C. nagsisisi D. nagtatampo
3. "Ang pag-aasawa ay hindi kaning isusubo na iluluwa kapag napaso" Nais
ipahiwatig nito na
A. Dapat mag-asawa ng marami.
B. Dapat pag-isipan ang pag-aasawa.
C. Maaaring maghiwalay kapag ayaw na.
D. Mabuti pang hindi mag-asawa.
4. Batay sa teksto, kung maisasakatuparan ang diborsyo sa Pilipinas ay
maaaring
A. Lalong dumami ang populasyon.
B. Maraming anak ang magdurusa.
C. Mapadadali ang paghihiwalay ng mag-asawa.
D. Matutuwa ang mag-asawang hindi magkasundo.​