Sagot :
Pagtitipid
Ito ay maituturing na birtud na tumutulong sa ating mga tao na maituro ang paggamit ng paraan na ito upang makapagbigay tayo sa iba. Kakambal ng pagtitipid ang salitang pagbibigay. At ito ay hindi ginagamit ang pera para ubusin ito lahat sa mga bagay na hindi naman mahalaga o kaya ay walang saysay.
Ang kahalagahan ng pagtitipid
Mahalaga ito dahil tutulong ito mismo sa atin na maging kontento na kung ano ang mayroon tayo. At makakapag-ipon tayo ng kahit konting pera upang magamit sa mga panahong emergency. Isa pa, matututo tayo sa buhay na hindi laging gumastos at mahalin ang ginawang sakripisyo sa bunga na ginawa mo para rito. Gayundin, ang pagtitipid ay nag-uudyok rin sa atin na magbigay sa mga tao na nangangailangan ng tulong.
Limang mabuting epekto ng pagtitipid natin sa buhay:
- Makakatabi tayo ng pera para magamit sa mas importanteng bagay
- Mas natututo tayo at nagkakaroon ng kaunawaan at katalinuhan sa paggamit o paghawak ng pera
- Makakapag-ipon tayo para makabili kung ano ang ating kagustuhan
- Mas nagiging bukas-palad tayo sa iba na paraan ng pagtulong
- Hindi tayo magiging bulagsa sa pera at lagi nalang gumastos
Ang pagtitipid natin ay malaki ang naidudulot sa buhay ng bawat tao. Nasasanay nito ang sarili natin na isipin muna ang mas mahahalagang bagay kaysa bumili o gumastos agad, lalo na kung hindi natin ito pag-iisipan mabuti. Tumutulong ang pagtitipid na may makuha tayong pera sa panahon na kailangan natin lalo na kung tayo ay nagkasakit o nagkaroon ng mga hindi inaasahang pangyayari sa buhay. Kaya mahalaga na laging handa sa bagay na ito at matutong magtipid.
Iwasan ang paggastos sa mga walang kabuluhang bagay na hindi naman magagamit. Disiplinahin ang sarili o kaya kontrolin para hindi mauwi sa paggastos ng marami. Tayo mismo ang tutulong sa ating sarili para mapigil ang pagkakaroon ng pagnanasa na bilhin o angkinin ang isang bagay. Kaya simula ngayon, maaari mo ng sanayin ang sarili mo na magtipid dahil para rin ito sa sarili mong kapakinabangan. At tiyak na mababago nito ang buhay mo kung mayroon kang ganitong pangmalas sa buhay at paggastos.
Tandaan na huwag laging gumastos lalo na kung hindi naman kailangan ang mga bibilhin. Maging matalino sa bagay na ito dahil tayo rin mismo ang magdudusa kung hindi ito pipigilan.
Nais mo pa bang makapagbasa ng higit? Bisitahin ang mga link na ito para sa karagdagang mga punto:
Ang kahulugan ng salitang pagtitipid: brainly.ph/question/2106427
Ang kahulugan ng salitang matipid: brainly.ph/question/1951364
Sila ang mga taong kilala bilang mga masisinop at matitipid: brainly.ph/question/1953322
#BrainlyEveryday