III.Panuto: Lagyan ng salitang Tama ang mga pangungusap na
nagpapakita ng paggalang, at Mali sa mga pangungusap na hindi
pagpapamalas ng pagsunod at paggalang sa magulang, nakatatanda
at may awtoridad.
1. Humihingi ng payo sa mga nakatatanda bilang pagkilala sa
karunungang dulot ng kanilang mayamang karanasan sa buhay.
2. Isinasaalang-alang ang kanilang damdamin sa pamamagitan
ng maayos at marapat na pagsasalita at pagkilos
3. Hindi nakikinig sa kanila kapag may pangaral na sinasabi sa
akin.
4. Sinusuri ng mabuti ang kanilang kalagayan o sitwasyon
upang maka pagbigay ako ng angkop na tulong bilang pagtugon sa
kanilang pangangailangan.
5. Hindi sila tutulungan, kahit na nahihirapan sila sa kanilang
gawain.
6. Nagsasalita at gumagawa ng mga masasama laban sa kanila.
7. Kinikilala ang kanilang ginagampanang tungkulin at
mahalagang maibahahagi bilang kasapi ng pamilya at lipunan.
8. Sumasabay sa kanilang pagsasalita.
9. Iginagalang ko pa rin ang aking mga magulang, nakatatanda
at may awtoridad kahit na nakikitaan ko sila ng mga di sinasadyang
pagkakamali.
10. Hindi pinapansin ang mga magulang, nakatatanda at
awtoridad tuwing nakikita o nakakasalubong.​