ISAGAWA
Panuto: Manood ng balita tungkol sa mga dumating na vaccine sa ating lugar,
iulat ito sa pamamagitan nang pasulat. Isulat ito sa iyong sagutang papel.​


Sagot :

Ang mga mauunang pangkat para sa bakuna

Kagustuhan ng Pamahalaan ng Australya na lahat ng tao sa Australya ay may magagamit na ligtas at libreng bakuna laban sa COVID-19 kung gusto nilang magpabakuna.

Ang malayang ahensyang nagkokontrol sa mga gamot sa Australya, ang Therapeutic Goods Administration (TGA), ay may mga mahigpit na batayan sa pagtasa sa mga posibleng bakuna laban sa COVID-19. Mag-aapruba lamang sila ng mga bakunang ligtas at mabisa.

Ang mga taong lubos na nangangailangan ng proteksyon ang mauunang mabakunahan mula ika-22 ng Pebrero 2021. Ang mga tao ay babakunahan nang pangkat-pangkat at ayon sa ganitong pagkahanay:

Pangkat 1a (Yugto 1a)

Ang mga manggagawa sa kuwarentena at hangganan

Ang mga manggagawa sa frontline at-risk healthcare, kabilang na ang mga kawani sa GP respiratory clinics at mga pasilidad sa pagsusuri ng COVID-19, kawani ng ambulansya, mga paramediko, kawani ng ICU at emergency department, at kawaning nagsusuporta sa clinical at ancillary services

Mga manggagawa sa residensyal na aged care (pangangalaga ng matatanda) at mga residente

Mga manggagawa sa residensyal na akomodasyon para sa mga may kapansanan

Mga tao na may kapansanan na nakatira sa residensyal na akomodasyon para sa mga may kapansanan

Pangkat 1b (Yugto 1b)

Mga may edad na mahigit 70 taon

Lahat ng mga ibang manggagawa sa pangangalaga ng kalusugan

Sisimulang mabakunahan ang mga may-edad na Aborihinal at taga- Islang Torres Strait

Ang mga tao na may karamdaman sa kalusugan pati na ang mga tao na may-kapansanan

Ang mga manggagawa na may kinakailangan at delikadong trabaho, kabilang ang mga nasa tanggulan, pulisya, mga serbisyong pamatay-sunog at pang-emerhensya at pagproseso ng karne

Pagkatapos, ang pagbabakuna ay makukuha ng pangkalahatang komunidad sa loob ng 2021. Kabilang sa mga pangkat ang:

Pangkat 2a (Yugto 2a)

Mga may edad na mahigit 50 taon

Patuloy na pagbabakuna sa mga may-edad na Aborihinal at taga-Islang Torres Strait

Mga ibang mga manggagawa na nasa kinakailangan at napakadelikadong trabaho.

Yugto 2b

Ang mga natitirang taong nasa edad na sa populasyon

Ang mga hindi pa nabakunahang Australyano mula sa mga naunang yugto.

Yugto 3

Ang mga tao na wala pang 18 taong gulang kung ito ay irerekomenda.

Isasapanahon namin ang impormasyong ito kung may anumang pagbabago sa mauunang mga pangkat.

Kung ikaw ay may kapansanan

Ilang mga tao na may kapansanan ang nasa mas malaking panganib ng malubhang pagkakasakit kung sila ay magkaka-COVID-19. Ilang mga tao na may kapansanan ang makaka-access sa mga bakuna laban sa COVID-19 sa mga unang yugto ng pagbibigay ng bakuna. Halimbawa, kabilang dito ang mga tao na may kapansanan na nakatira sa residensyal na akomodasyon para sa may kapansanan. Ang karagdagang impormasyon ay makukuha tungkol sa kung kailan at paano mababakunahan ang mga tao na may kapansanan.

Saan makukuha ang bakuna

Ang bakunang Pfizer/BioNTech laban sa COVID-19 ay makukuha sa 30 hanggang 50 mga ospital sa Australya. Ang pagbabakuna na pinamumunuan ng Komonwelt ay bibisita sa mga pasilidad ng aged care at mga residensyal na akomodasyon para sa may kapansanan upang magbakuna.

Ang bakunang AstraZeneca, at anumang iba pang mga bakuna na aprubado para magamit, ay makukuha sa ibang mga lokasyon kabilang ang:

mga GP respiratory clinic

Mga General Practice (mga klinika ng doktor)

Mga Serbisyong Pangkalusugan ng Komunidad na Kontrolado ng mga Aborihinal

Mga klinika sa pagbabakuna na pinatatakbo ng estado, at

mga botika.