mga halimbawa ng salitang pang abay ​

Sagot :

Mga halimbawa ng salitang pang abay

Answer →

Ano ang Pang-abay?

Ang pang-abay o adverb kung tawagin sa wikang Ingles ay mga salitang nagbibigay turing o naglalarawan sa pandiwa, pang-uri, o kapwa pang-abay.

Mga halimbawa ng pang abay sa pangungusap→

  • Umalis sina Karen at Geneva kanina pero nakabalik na rin sila.

( ang pandiwa sa pangungusap ay "umalis" ang pang abay ay "kanina" ?

  • Mahigpit ang pagkahawak ni Aling Marites sa pitaka niya kaya hindi ito nakuha ng tambay sa tyangge.( ang pandiwa sa pangungusap ay "pagkahawak" ang pang abay ay "mahigpit" )

  • Nang malaman niyang tulog na si Mang Tomas, dahan-dahan niyang binuksan ang pintuan at tumakas. (ang pandiwa ng pangungusap ay "binuksan" ang pang abay ay" dahan dahan")