6. Ang mga sumusunod ang nagpapakita ng kawalan ng pasasalamat, MALIBAN sa
A. walang kakayahan na tumbasan ang kabutihang natanggap B. hindi pagbibigay halaga sa taong gumawa ng kabutihan C. pagpapasalamat nang hindi bukas sa puso at kalooban D. pagtanggap sa kabutihan ng kapwa at magpasalamat
7. Alin sa mga sumusunod ang HINDI nagpapakita ng pasasalamat sa loob ng tahanan?
A. Pagsabi ng salamat sa mga payo na ibinigay ng mga magulang. B. Pagtulong sa mga magulang sa paggawa ng mga gawaing bahay. C. Paghinto sa pag-aaral habang hirap ang magulang sa paghahanap- buhay. D. Paghanda ng isang selebrasyon bilang pasasalamat sa suportang natanggap mula sa magulang.
8. Sino sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pasasalamat?
A. Si Ana na labis ang pamimili ng mga nagugustuhang gamit sa tuwing nagpapadala ng pera ang inang nagtatrabaho sa ibang bansa. B. Si Maria na nananalangin sa biyaya ng buhay na ipinagkaloob mula sa Diyos pagkagising niya sa umaga. C. Si Joana na inaway ang kaibigang tumulong sa kaniya sa oras na siya ay may problema. D. Si Rhea na ipinagmalaki ang pagtulong niya sa mga taong nangangailangan.
9. Ano ang magandang epekto ng pasasalamat sa buhay ng isang tao?
A. Napapataas nito ang halaga ng sarili. B. Nagiging palaasa ang mga taong nakatanggap ng kabutihhan. C. Nasasanay ang taong ipagmalaki ang paggawa ng kabutihan sa iba. D. Lagi na lang magtatanaw ng utang-na-loob ang taong nakatanggap ng kabutihan mula sa iba.
10. Alin ang pinakamadaling paraan ng pagpapakita ng pasasalamat?
A. Pagbibigay ng anumang bagay bilang kabayaran sa kabutihan. B. Pag-imbita sa taong tumulong tuwing may selebrasyon sa bahay. C. Paghahanda ng salo-salo sa taong nakagawa ng kabutihan sa iyo. D. Pagsasabi ng pasasalamat kapag nakatanggap ng kabutihan sa iba.