GDP
-Ang GDP ay pinaikling "Gross Domestic Product".
-Tumutukoy ito sa market value ng mga produkto at serbisyo na ginawa sa loob ng isang bansa sa isang durasyon o tiyak na panahon. Ang market value ay ang aktuwal na halaga ng transaksiyon ng mga mamimili sa merkado.
-Upang mas madali itong tandaan, ito ay tumutukoy sa kung saan ginawa ang produkto o serbisyo (Gawa Dito sa Pilipinas).
-Lahat ng produkto at serbisyo na ginawa sa loob ng Pilipinas ay kasama sa GDP.
GNP
-Ang GNP naman ay pinaikling "Gross National Product".
-Ito rin ay tinatawag na GNI o "Gross National Income".
-Ano ang GNI? Ito ay ang kita ng mga permanenteng residente ng isang bansa sa isang durasyon o tiyak na panahon.
-Upang mas madali itong tandaan, ito ay tumutukoy sa kung sino ang gumawa ng produkto o serbisyo (Gawa Ng mga Pilipino).
-Dahil dito, kasama sa pagtutuos ng GNP ang mga kita ng mga OFW o "Overseas Filipino Workers".