Teksto A (1) Maagap na inasikaso ni Auring si Richard sa pagdating nito sa kanilang bahay. (2) Ipinagluto rin niya ito ng adobo (3) Bilang pagtugon sa kahilingan ni Richard na isang Amerikano, tinuruan niya ito ng mga salitang Filipino at kaalaman patungkol sa pamanhikan, bayanihan, at lamayan. (4) Ang mga ipinakita at itinuro ni Auring kay Richard ay nagpapakilala sa kulturang Pilipino 1. Ayon sa teksto, saang bilang matatagpuan ang pamaksang pangungusap? A. 1 B. 2 C. 3 D. 4 2. Ayon sa unang pangungusap, ano ang tonong isinasaad nito? A. pag-asam B. paghanga C. pagkaalisto D. pananabik 3. Sa kabuuan, ang layon ng teksto ay A. ipakita ang kagandahan ng Pilipinas B. ipakita ang panghihikayat sa panauhin C. ipakita ang kasayahan ng mga Pilipino D. ipakita ang pagiging magiliw sa panauhin 4. Sa iyong palagay, bakit gustong matuto ng salitang Filipino ni Richard? A. Upang hindi siya maloko ng mga Pilipino B. Upang hindi siya pagtawanan ng mga Pilipino C. Upang magamit niya at maituro ito sa kaniyang pamilya D. Upang mabilis siyang makibagay sa mga taong nakakasalamuha niya sa Pilipinas 5. Alin sa kulturang Pilipino ang HINDI nabanggit sa teksto? A. bayanihan B. lamayan C. pamanhikan D. piyesta Tato R