ano ang ibig sabihin ng geography


Sagot :

Ano ang Ibig sabihin ng Geography?

Ang Geo ay nangangahulugang daigdig at ang Graphia ay paglalarawan. Ang Geography ay isang larangan ng agham na nakatuon sa pag-aaral ng mga lupain, klema, mga naninirahan, at mga phenomena ng Daigdig at mga planeta. Sa madaling salita Geographia ay pag aaral sa katangiang pisikal ng daigdig. Ang heograpiya ay madalas na tinukoy sa mga tuntunin ng dalawang sanga: Heograpiyang PangTao at Heograpiyang Pisikal.

Ano ang Human Geography at Physical Geography?

Ang Human Geography o Heograpiyang PanTao ay may kinalaman sa pag-aaral ng mga tao at kanilang mga komunidad, kultura, ekonomiya, at pakikipag-ugnayan sa kapaligiran sa pamamagitan ng pag-aaral ng kanilang relasyon at sa buong puwang at lugar.

Ang Physical Geography o Heograpiyang Pisikal ay sangay ng likas na agham na may kinalaman sa pag-aaral ng mga proseso at mga pattern sa natural na kapaligiran tulad ng atmosphere, hydrosphere, biosphere at geosphere.

Para mga karagdagang impormasyon tungkol sa Geography, i clink ang link sa ibaba:

https://brainly.ph/question/126990- Ano ang Heograpiya at Heograpiya ng Asya?

https://brainly.ph/question/575178- Ano ang heograpiya ?

#LetsStudy