magbigay ng 5 halimbawa ng parirala

Sagot :

Halimbawa ng Parirala

Ang parirala ay tumutukoy sa isa o lipon ng mga salita na walang isang buong diwa. Ito ay nagsisimula sa maliit na titik at walang bantas. Narito ang ilang halimbawa ng parirala:

  • ang pulang kotse
  • masayang naligo
  • sina Aurora at Eudora
  • tunog ng radyo
  • mamayang gabi
  • paglubog ng araw
  • kumot at unan
  • sa Pasko

Pangungusap

Ang pangungusap naman ay binubuo ng mga parirala. Ito naman ang lipon o grupo ng mga salita na may isang buong diwa. Ito ay nagsisimula sa malaking titik at gumagamit ng bantas sa pagtatapos nito. Ang bantas ay maaaring tuldok, tandang pananong o tandang padamdam. Ito rin ay may simuno at panaguri.

Gawin nating pangungusap ang mga parirala sa itaas sa pamamagitan ng pagdadagdag ng simuno o panaguri. Narito ang halimbawa ng mga pangungusap:

  • Ang pulang kotse ay bumangga sa puno ng mangga.

  • Masayang naligo sa ulan ang mga bata.

  • Magaling sa aming klase sina Aurora at Eudora.

  • Hindi na maganda ang tunog ng radyo dahil luma na ito.

  • Mamayang gabi magsisimula ang inaabangan kong programa sa telebisyon.

  • Gusto mo bang pagmasdan ang paglubog ng araw?

  • Naku! Nakalimutan kong magdala ng kumot at unan.

  • Uuwi ba sina Lolo at Lola sa Pasko?

Karagdagang halimbawa ng parirala:

https://brainly.ph/question/753594

#LearnWithBrainly