1. Teoryang Bow-bow
- ito ay ang panggagaya ng tao sa mga tunog na nalikha ng kalikasan.
2. Teoryang Pooh-pooh
- ipinapalagay na natutong magsalita ang mga tao dahil sa hindi sinasadyang napapabulalas sila bunga ng masidhing damdamin. Ang tao ang siyang lumikha ng tunog at siya rin ang nagbibigay ng kahulugan nito.
3. Teoryang Yo-he-ho
- tunog na nalilikha sa pwersang pisikal kung saan natutong magsalita ang tao dahil sa nalilikha nilang tunog kapag sila ay gumagamit ng lakas.
4. Teoryang Ta-ra-ra-boom-de-ay
- sa mga tunog na galing sa mga ritwal ng mga sinaunang tao ang naging daan upang matutong magsalita ang tao. Ang mga sayaw, sigaw o incantation at mga bulong ay binigyan nila ng kahulugan at sa pagdaan ng panahon ito ay nagbagu-bago.
5.Teoryang Tata
- sa mga kumpas at galaw ng kamay na ginagawa ng mga tao sa mga partikular na okasyon ay ginaya ng dila hanggang ito ay mag-produce ng tunog at natutong magsalita ang mga tao. Ang tawag dito ay ta-ta na sa France ay paalam o goodbye.
6.Teoryang Ding-dong
- ito ay katulad lang ng Teoryang Bow-wow. Kasali na rito ang mga bagay na ginawa ng tao tulad ng doorbell, motor, tv, telepono at marami pang iba.