Sagot :
Bakit kailangan pag aralan ang mga karunungang bayan?
Mahalagang pag-aralan ang karunungang bayan sapagkat:
1. Ito ang nagiging daan upang maipahayag ng manunulat ang kanyang kaisipang na nakapapabilang sa bawat kultura ng isang tribu.
2. Upang mabigyan ng balik tanaw ng isang mambabasa ang isang kamalayan para sa katutubong tradisyon na kanilang magiging gabay sa pagbasa at pagpapahalaga sa panitikan.
3. Napapatibay din nito at napepreserba ang pagpapahalaga sa kultura at tradisyon ng isang pook sa daigdig.
4. Upang mapayaman pa ang kinagisnang kultura, kaugalian at tradisyon at mapagbuti pa ito sa kasalukuyang hinaharap.
5. Dahil sa karunungang bayan ay natututo din ang mga tao ng kabutihang asal na dapat nilang taglayin sa kanilang pamumuhay at pakikipag-kapwa tao.
6. Tumutulong din ito upang mapatalas ang kaisipan ng mga tao habang naglilibang.
Ano karungungang bayan?
• Ito ay isang sangay ng panitikan kung saan nagiging daan upang maipahayag ang mga kaisipan na nagmula sa mga kulturang katutubo ng iba’t-ibang tribu.
Mga uri ng karunungang bayan
1. Salawikain
2. Kasabihan o kawikaan
3. Bugtong
4. Sawikain o idyoma
5. Palaisipan
Halimbawa ng karunungang bayan:
1.Ang hindi lumingon sa pinanggalingan ay di makararating sa paroroonan.
2. Kaibigan sa harap, kaaway sa talikuran.
3. Matanda ng ang nuno, hindi pa naliligo
RELATED LINKS:
kahulugan ng karunungang bayan: brainly.ph/question/139368
brainly.ph/question/303517
#BETTERWITHBRAINLY