sa kwentong ang alegorya ng yungib, ano-ano ang naging pananaw ni plato sa tinalakay niyang paksa? paano nagbigay ng kunklosyon si plato sa kaniyang sanaysay?

Sagot :

Alegorya ng Yungib

ni Plato

Masasalamin sa sanaysay ng Alegorya ng Yungib ang pilosopiya ni Plato tungkol sa kung paano magkaroon ng kamalayan sa kultura at kaugalian ng isang bansa. Uhaw sa karunungan ang lipunan na kaniyang ginagalawan. Ngunit bilang isang henyo, nakikita niyang may paraan upang maabot ng lipunan ang kalayaan. Ito ang paksa niya sa kaniyang sanaysay.

Mga Pananaw ni Plato sa Alegorya ng Yungib

  1. Ayon kay Plato, ang mga taong walang edukasyon ay parang bilanggo sa isang kuweba.
  2. Sa kanyang pananaw, pawang mga anino lamang ng sa loob yungib ang tulad katotohanan ang mga pnaghahawakang katotohanan ng tao sa mga bagay na nakikita nila sa mundo. Ang tunay na imahe o katotohanan ay nasa ‘Mundo ng mga Ideya" o labas ng yungib wika nga.
  3. Ayon sa kanyang sanaysay, ang panimulang mga konsepto ng mga bagay ay nasa isipan na ng tao mula  kapanganakan. Kakailanganin lamang na gamitin ang pangangatwiran upang sila’y matuklasan.

Ang edukasyon ang isa sa binibigyang-halaga ni Plato sa Alegorya ng Yungib. Basahin ang interpretasyon nito sa https://brainly.ph/question/163283.

Isa lamang ang Alergoya ng Yungib sa gawa ni Plato. Kilalanin pa si Plato kung tungkol sa kaniyang mga inilathalang karunungan. Basahin sa https://brainly.ph/question/1625202; https://brainly.ph/question/972672.