Ilan sa mga halimbawa ng pang-abay na pamanahon ay tuwing, gabi-gabi, araw-araw, kahapon, kanina, bukas at marami pang iba.
- Tuwing Lunes ay dinadalaw niya ang Itay.
- Nag-aaral siya ng maigi gabi-gabi.
- Pumapasok siya sa paaralan ng mag-isa araw-araw.
- Nagpunta ang Presidente kahapon sa paaralan.
- Nakita ko kanina ang aking guro.
- Bukas na ang araw ng pagsusulit.