kasingkahulugan at kasalungat ng palihim

Sagot :

Ang kasingkahulugan ng salitang palihim ay patago,pakubli,pasikreto,palingid,pataksil .Ang salitang palihim ay may salitang ugat na lihim na nangangahulugan ng sekreto,mga bagay na lingid sa kaalaman ng iba.

Ang kasalungat ng salitang palihim ay palantad,pabunyag,natuklasan.Tahas at bukas sa paningin ng nakararami.

Mga halimbawa sa pangungusap upang mas lubos na maunawaan ang kahulugan nito.

  1. Palihim ang ginawang pag iimbistiga ng kapulisan sa isang krimen,dahil ito ay kinasasangkutan ng isang kilalang tao sa lipunan.
  2. Ang kanyang pagtulong sa kapuwa ay palihim niyang ginagawa,dahil naniniwala siya na hindi mahalagang ipagmalaki sa iba kung nakakatulong ka,Diyos na ang bahala sa mga taong may mabubuting kalooban.
  3. Palihim ang ginawa niyang pag alis sa kanilang tahanan,dahil alam niyang hindi siya papayagan ng kanyang ina na dumalo sa isang kasiyahan ng gabing iyon.
  4. Palihim ang ginawa ni Basilio na pagpunta sa kagubatan dahil ayaw niyang may makaalam ng kanyang sekreto.
  5. Ang pagpasok sa isang silid ay palihim niyang ginawa dahil may nais siyang kunin na mahalagang bagay.

Mga halimbawa sa pangungusap ng kasalungat ng salitang palihim.

  1. Palantad ang ginawa niyang pangliligaw kay Selya,dahil gusto niyang malaman ng lahat ang tunay na nararamdaman niya sa dalaga.
  2. Pabunyag ang ginawa niyang paglalahad ng kasalanan ng kanyang kaibigan dahil gusto niyang matuto ito sa mga nagawang pagkakamali.
  3. Pabunyag ang ginawa niyang pag iimbistiga sa isang krimen dahil nais niyang ipabatid na hindi siya natatakot sa mga salarin.

Buksan para sa karagdagang kaalaman sa mga kasingkahulugan at kasalungat ng mga salita:

https://brainly.ph/question/104758

https://brainly.ph/question/1046676

https://brainly.ph/question/1203287