Sagot :
Sa pamamagitan ng kanyang talino, sumulat siya ng mga nobela para magising ang mga Pilipino sa ginagawang pananakop ng mga dayuhan sa ating bansa. Nung panahon ng pananakop ng mga Kastila ay isa siya sa nagtaguyod at nagsulong na magkaroon ng pagbabago sa bansa para maging malaya ang mga Pilipino.
Ang mga nobelang naisulat niya na Noli Me Tangere at El Filibusterismo ang naging dahilan kung bakit sumiklab ang himagsikan at nagbukas sa kamalayan ng mga Pilipino upang lumaban.
Si Jose Rizal Nagtatag ng isang samahang La Liga Filipina, ito ay isang samahan na nagsimula ng Himagsikang Pilipino para kalabanin ang Espanya.
Naging hudyat ito sa pagkagising ng maraming Pilipino mula sa matagal na pagkakatulog sa pagiging sunud-sunuran ng mga banyagang namumuno at nagpapatakbo sa ating bansa. Bilang lider ng kilusang Propaganda ng mga Pilipino sa Espanya ginamit ni Rizal ang kanyang talento sa pagsusulat.
Kitang-kita naman na talagang makabayan ang ginawang pagsasakripisyo ni Rizal. Kung hindi dahil sa kanyang isinulat ay hindi mamumulat ang mga Pilipino kung anong karapatan nila at kung ano ang nararapat na pagtrato ang ibigay sa kanila.
Para sa iba pang kaalaman at impormasyon tungkol kay Jose Rizal, pindutin lamang ang mga sumusunod na links:
https://brainly.ph/question/106536
https://brainly.ph/question/498744
https://brainly.ph/question/1930076