Sagot :
Mga Halimbawa ng Pahambing na Magkatulad (pangungusap):
- Magkasingganda sila Cassandra at Chloe.
- Magkaparehas ang kanilang mga kuwintas.
- Kasimputi ng perlas ang mga puting damit ni Lito.
- Gamundo ang pagpapahalaga ng mga nanay sa kanilang mga anak.
- Kasingkinang ng bituin ang kanyang singsing dahil sa kintab nito.
- Ang dalawang kumot ay magkasinghaba.
Upang malaman ang iba pang detalye ukol sa mga halimbawa ng pahambing na magkatulad, maaaring pumunta sa link na ito: https://brainly.ph/question/132437
Pahambing na Magkatulad
Ang pahambing na magkatulad ay:
- isang uri sa dalawang uri ng kaantasang pahambing
- ginagamit ito sa paghahambing ng dalawang tao, bagay, ideya, pangyayari, at iba pa na may patas na katangian.
Ang pahambing na magkatulad ay ginagamitan ng mga panlaping:
- ka
- magka
- sing (sin/sim)
- kasing (kasin/kasim)
- magsing (magkasing/magkasim)
- ga/gangga
Maaari ring gumamit ng mga wangis/kawangis, gaya, tulad, hawig/kahawig, mistula, at mukha/kamukha sa pahambing na magkatulad.
Upang malaman ang iba pang detalye ukol sa pahambing na magkatulad, maaaring pumunta sa link na ito: https://brainly.ph/question/613369
Pahambing na Palamang
Ang pahambing na palamang o hambingang palamang ay:
- may mahigit na katangian ang inihahambing sa bagay na pinaghahambingan
- isang uri sa dalawang uri ng hambingang di magkatulad
- naipapakita ito sa tulong ng lalo, higit/mas, labis, at di-hamak.
Upang malaman ang iba pang detalye ukol sa pahambing na palamang, maaaring pumunta sa link na ito: https://brainly.ph/question/25893