Sagot :
MGA HALIMBAWA NG PANDIWANG AKSYON, KARANASAN AT PANGYAYARI
Mga Halimbawa ng Pandiwang Aksyon
- Naglakbay siya patungo sa direksyon na ibinigay sa kanya.
- Tumalima si Pedro sa mga hinihingi ni Cora.
- Pumarada ang sasakyan sa harapan ng hotel.
- Tumalon ang aso sa kariton na sinasakyan nito.
- Siya ang nagligpit sa mga hugasin.
- Tinalon niya ang mahabang pader para masilayan ang dalaga.
- Tinapos na niya ang ugnayan nilang dalawa.
- Hiniwalayan niya ang kanyang kasintahan.
- Nag-aaral si Donna ng martial arts.
- Nag-eehersisyo ang kapitbahay namin na gwapo.
Mga Halimbawa ng Pandiwang Karanasan
- Tumawa si Bumabakker sa paliwanag ni Bugan.
- Nalungkot ang lahat nang mabalitaan ang masamang pangyayari.
- Umiyak ang binata matapos siyang iwan ng kasintahan.
- Masaya na umuwi sa kanilang bahay ang bata.
- Nagalit ang presidente sa mga terorista.
- Si Krista ay nahiya sa kanyang ginawa.
- Nalungkot ang bata sa pagkawala ng kanyang alagang aso.
- Naghirap ang OFW sa kamay ng kanyang employer.
- Naiinlab ako sa iyo.
- Labis ang aking tuwa ng ikaw ay masilayan.
Mga Halimbawa ng Pandiwang Pangyayari
- Nalunod ang mga tao dahil sa matinding baha.
- Namatay si Kahel dahil sa nainom niyang lason.
- Pumasa siya dahil sa pagsali niya sa online review.
- Si Diana ay pumayat dahil sa araw-araw niya na pag-eehersisyo.
- Yumaman si Manny dahil sa kanyang pagtatrabaho buong araw.
- Nanalo si Pepito sa lotto matapos niyang tayaan ang lahat ng numero.
- Nadapa ang bata dahil sa mabilis niya na pagtakbo.
- Tumaya siya sa lotto dahil sinabihan siya ni Pedro.
- Tinanggap niya ang ayuda dahil hindi na sila nakakakain.
- Natanggap siya sa trabaho dahil sa maayos niya na pagsagot.
Karagdagang impormasyon:
Ano ang pandiwang aksyon, karanasan, at pangyayari
https://brainly.ph/question/133341
https://brainly.ph/question/133357