Ang PANITIKAN ay ang pagsulat ng tuwiran o tuluyan at patula na nag-uugnay sa isang tao. Subalit upang maipagkaiba ito mula sa ibang mga walang saysay na babasahin o patalastas lamang, ang mga panitikan ay ang mainam na pagsulat na may anyo, pananaw, at diwang nakasasanhi ng matagal na pagkawili at gana.