Ano ang sampung mahahalagang gampanin ng pamilya?



Sagot :

Answer:

Sampung (10) Mahahalagang Gampanin ng Pamilya

  1. Gampanin ng mga magulang ang bigyan ng maayos at payapang buhay ang mga anak.
  2. Ibigay ang mga pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain, kasuotan, tirahan at wastong kalusugan.
  3. Magbigay seguridad at proteksyon sa mga anak laban sa anumang kaguluhan.
  4. Alagaan at arugain ang mga anak.
  5. Tustusan ang mga pangangailangan sa edukasyon upang makatapos ng pag-aaral ang mga anak.
  6. Magsilbing guro sa tahanan at ituro ang magandang asal at ugali.
  7. Pagdisiplina sa mga anak upang maging isang mabuting mamamayan.
  8. Panatilihin ang pagkakasundo at magandang ugnayan ng bawat miyembro ng pamilya upang makaiwas sa anumang gulo o away.
  9. Magkaroon ng bukas na komunikasyon para sa problema ng bawat miyembro ng pamilya.
  10. Magkaisa at magtulungan sa mga haharaping hamon at pagsubok sa buhay.

Ang Pamilya

Ang pamilya ang sinasabing isang maliit na antas ng lipunan. Ang pamilya rin ang isa sa pinakamahalaga at pinakaimportanteng tao sa buhay ng bawat isa. Sila ang pinakamagandang regalo ng Panginoon sa atin. Dito natin mararamdaman ang tunay na pagmamahalan, pagtutulungan at pagkakaisa ng bawat isa. Dito rin nagmumula ang pakiramdam ng pagiging ligtas at payapa. Ang ating pamilya rin ang nagbubuklod sa bawat isa, sama-samang lumalaban sa kahit na anong pagsubok at hamon ang dumating sa bawat isa.  

Mga Katangiang dapat taglayin ng bawat miyembro ng Pamilya  

  • Ang bawat miyembro ng pamilya ay dapat nagmamahalan.  
  • May pagtutulungan at pagkakaisa ang bawat isa.  
  • May pagkakaunawaan upang maiwasan ang mga alitan.  
  • Dapat may respeto at paggalang sa isa’t isa lalo na sa mga magulang.  
  • May pagbibigayan at huwag maging madamot.  
  • May tiwala sa isa’t isa.  
  • Ang mga anak ay dapat maging masunurin sa mga magulang.  
  • Dapat may malakas na pananampalataya sa Panginoon.  

Napakahalaga na magkaroon ng isang buo at masayang pamilya, dahil sila ang nagbibigay buhay sa'yo. Kung wala sila, wala ka sa kinatatayuan mo ngayon. Kaya nararapat na pahalagahan ang pamilya dahil sila ang mga taong kasama mo sa anumang hirap at ginhawa. Sila ang bumubuhay at bumubuo sa iyong pagkatao.  

Para sa karagdagan pang Kaalaman magtungo sa link na:  

Kahalagahan ng pamilya sa ating buhay: brainly.ph/question/633076  

#BetterWithBrainly