ano ang kahulugan ng heograpiya


Sagot :

Answer:

Heograpiya

Ang heograpiya ay isang larangan ng agham kung saan pinag-aaralan ang pisikal na kaanyuan ng daigdig. Kabilang sa mga pinag-aaralan ay ang mga sumusunod:

  • Katangian ng mga lupain at katubigan
  • Ang populasyon ng bawat bansa at ang mga katangian ng mga mamamayang naninirahan dito
  • Mga kakaibang bagay na matatagpuan sa daigdig

Explanation:

Nagmula ang salitang heograpiya sa dalawang salitang Griyego (geo+grafia) na ang ibig sabihin ay ang paglalarawan sa daigdig. Pinag-aaralan ng mga dalubhasa ang heograpiya upang mas maintindihan pa nila ang mga pagbabagong nagaganap sa ating mundo, at kung anong mga bagay ang nakaka-apekto dito.

Para mas palawakin pa ang iyong kaalaman tungkol sa heograpiya, pindutin lamang ang link na ito:

brainly.ph/question/13914

brainly.ph/question/629427  

#BrainlyEveryday