Sagot :
Kultura ng Roma
Ang Roma ay ang punung-lunsod ng bansang Italy. Bihira ang hindi nakakakilala dito dahil sa laki ng ambag nito sa larangan ng sining, politika, edukasyon lalo na sa larangan ng agham at pag-iinhinyero. Ngunit ang Kultura ng taga Roma noong unang panahon ay hindi gaanong naiiba kung ikukumpara sa karamihan.
Pagdating sa paraan ng pamumuhay ng karaniwang tao sa ibang bahagi ng mundo, na kung saan ang pagkita para sa pamilya ang pangunahing prioridad ang Roma ay walang pinagkaiba. Ang mga mamamayan ay maagang gumising para maghanapbuhay. Ang marami sa taga Roma ay nakasuot ng Tunic na isang maiksing uri ng damit, ito ay simple at maginhawa sa katawan. Ang mga nakakaangat naman sa komunidad ay may suot na puting Toga sa ibabaw ng kanilang Tunic. Ang mga may pinakamatataas na katayuan sa buhay ay may malinaw na guhit sa ladlaran ng kanilang suot na Toga.
Pagdating sa hapagkainan, ang ordinaryong pamilya ay madalas kumain lamang ng sopas at tinapay na kanilang binibili sa tindahan o naglalako. Ang mga nakakaangat sa buhay naman ay kumpleto sa ibat ibang uri ng karne, isda, prutas at alak na inihahain pa ng mga tagapagsilbi. Ang lahat ng Romano sa panahong ito, mayaman man o mahirap ay hindi gumagamit na kubyertos tulad ng kutsara o tinidor, silang lahat ay nakakamay tuwing kumakain.
Ang Forum
Sa panahong ito, ang lugar na tinatawag na Forum ang masasabing sentro ng kalakalan at libangan. Bitbit ang inipong Denarius na kinita, ang mga Romano na gustong mamili at maglibang ay naiipon dito. Sa Forum ay matatagpuan ng gustong makapanood ng ibat ibang palabas tulad ng pagawit, akrobatika, teatro at mga nagtatalumapti. Sa ganitong mga lugar at gawain umiikot ang buhay ng mga tao dito noong kalakasan ng Imperyong Romano.
Ang Forum ay higit mong mabibigyang pansin sa link na ito: https://brainly.ph/question/1271280.
Ang Kultura ng mga Romano sa kasalukuyang panahon ay malayo na sa dati. Wala na ang kanilang imperyo kung kayat ang buhay nila ay masasabing tahimik kumpara sa nakaraang madugong pananakop ng ibang lupain. Libangan ng marami ngayon ang maupo sa mga Piazza na malapit sa maraming simbahan, dahil ang karamihan sa kanila ay Katoliko
Kilalanin ng higit ang Katolisismo sa link na ito: https://brainly.ph/question/365625.
Tulad ng Forum ng nakaraan, mayroon mga napapanod dito para magpalipas ng oras. May mga pagkaing nilalako tulad ng Suppli at maraming uri ng Pizza. Mahilig ang mga Romano sa matataamis at sila ay kilala sa buong mundo sa husay sa paggawa nito. Isang bagay sa kanila na namumukod tangi sa iba ay ang dami ng magagaling sa Sining.
Patunay ang paghanga ng mundo sa kanilang mga nakaraang gusali, mga simbahan at iba pang istruktura. Ang mga likha ng kanilang mga pintor at iskultor at mga estilo nito ay patuloy na pinagaaralan sa lahat halos ng Art school sa buong mundo. Maging ang kanilang pagkain ay natikman na ng halos lahat.
Naglaho na nga ba?
Kahit lumipas na ang Roman Empire na kinatakutan ng mga karatig na bansa, ang Impluwensya nito ay nararamdaman pa hanggang ngayon, mula sa politika,pagkain,mga gusali at sining, hind maitatanggi na ang lahat ng nasyon ay may namana sa mga Romano.
Alamin ng higit ang tungkol sa Roman Empire, basahin ang link na ito: https://brainly.ph/question/462101 .