Ang marginal thinking sa ekonomiks ay
nangangailangan ng matinding pagtitimbang-timbang sa pagitan ng kabutihan o
benepisyong idudulot ng pagbili ng isang bagong bagay kumpara sa gagastusing pera para
mabili ito. Ito ay karaniwang ginagawa ng mga lider o pinuno ng kompanya kapag
mayroong bagong makinarya na balak bilhin.