May iba't ibang paraan upang mapamahalaan ang kakapusan. Maaari itong isagawa ng pamahalaan, ng lipunan o maging ng bawat pamilya. Sa usapang pamilya, mapapamahalaan lamang ang kakapusan kapag lahat ng miyembro ay tulung-tulong sa lahat ng bagay at lahat magsisipag sa pagtatrabaho. Kahil pakonti-konti lamang ang ibibigay ng bawat isa ay malaking tulong pa rin ito sa pamilya.