Ang tao ay likas na mabuti at may magandang kalooban. Gayunpaman, dahil sa kakulangan at kawalan ng ilang aspeto sa buhay, siya ay hahantong sa paggawa ng masama o hindi naaayon sa moral at pamantayan ng kanyang kinabibilangan. Ang paggawa ng masama ay isang gawain ng tao ngunit ang pagkakaroon ng konsensiya at pagsisisi ay isang palatandaan ng pagpakatao.