Ang pandiwa ay maaaring
gamitin bilang aksyon, karanasan at pangyayari. Ginagamit ito bilang aksyon
kapag may tagaganap o aktor ng kilos.
Malinaw itong nakikita sa pamamagitan ng panlaping magma, mang, maki at
marami pang iba.
Halimbawa: Nagluto ng hapunan si Inay.