halimbawa ng pangungusap na may pandiwang karanasan at pangyayari


Sagot :

Pandiwa na nagpapahayag ng Karanasan

- Nagpapahayag ng karanasan ang pandiwa kapag may damdamin.
- Dahil dito, may nkararanas ng damdamin na inihuhudyat ng pandiwa.
- Maaaring magpahayag ang pandiwa ng karanasan o damdamin o emosyon.
- Sa ganitong sitwasyon may tagaranas ng damdamin o saloobin.

Halimbawa:

1. Nagalit ang tatay ni Darwin dahil pasaway ito.

2. Nalungkot si Gumball at Darwin dahil suspendido sila sa eskwela.
3. Natuwa si Steven dahil hindi siya gagawa ng mga gawaing bahay.
4. Naiyamot si Bubbles at Blossoms dahil grounded sila.
5. Naawa ang tatay kay Anais dahil napagod ito sa paglilinis kaya binigyan ito ng ice cream.


Pandiwa na nagpapahayag ng Pangyayari

- Ang pandiwa ay resullta ng isang pangyayari

Halimbawa:

1. Umulan na naman sa Batangas kanina.
2. Namatay na ang gagamba na inapakan niya!
3. Nalunod sa swimming pool ang barkadahang hindi marunong lumangoy.
4. Namatay ang WiFi kaya ako nag-online.
5. Binaha na naman ang Espanya!