anong gamot sa tenga na kakabara dahil sa sipon​

Sagot :

Answer:

Ang OME o sakit sa tenga dahil sa sipon ay kusang gumagaling. Pero ang pagpabalikbalik nito ay pwedeng magpataas ng posibilidad na ikaw ay magkaroon ng impeksyon sa tenga. Ang doktor ay maaaring magrekomenda ng pag-inom ng banayad na antibiotic kung ang iyong anak ay nanganganib na magkaroon ng impeksyon sa tenga.

Kung nararamdaman mo na barado ang iyong tenga sa loob ng anim na linggo matapos ang iyong unang pagsangguni, baka kailangan mong bumalik uli kay Doc. Baka kailangan mo nang mas direktang gamot sa tenga ng may sipon.

Ang isa sa pinaka mabisang paggamot dito ay ang paggamit ng tubo sa tenga. Makatutulong ito sa mailabas ang fluid na naipon sa likod ng tenga.

Kung minsan, irinerekomenda ng doktor ang pagtatanggal sa tonsils para magamot o maiwasan ang pagkakaroon ng impeksyon sa tenga dahil ang tonsil ay kung minsan ay nakakabara sa daanan ng tubig galing sa tenga.